Anim na magkakamag-anak kabilang ang tatlong mga bata, patay sa sunog kaninang madaling araw sa Quezon City

Anim ang magkakamag-anak ang patay sa naganap sunog sa isang residential area sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ala 1:54am ng sumiklab ang sunog sa bahay ng mga biktima sa Villa Corina Subdivision.

Pasado 6:30 a.m. na nang marekober ang lahat ng bangkay ng mga biktima ngunit hindi pa sila pinapangalanan ng BFP dahil ipagbibigay alam muna sa kanilang mga kamag-anak na nasa amerika ang pangyayari.


Kabilang sa mga narekober ay ang bangkay ng 79-years-old na lalaki, isang 30-years old na ginang at mga menor de edad nitong mga anak na 12, 7 at 2 years old.

Ayon sa BFP, sinubukan ng mga biktima na lumabas sa nasusunog nilang bahay, batay sa lokasyon kung saan natagpuan ang kanilang mga bangkay.

Pero na-suffocate aniya ang mga biktima at nawalan ng malay bago nabagsakan ng mga debris.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng BFP sa dahilan ng sunog habang umabot na sa 1.5 million pesos ang tinatayang pinsala sa mga ari-arian.

Facebook Comments