Nakapagtala ang Department of Health ng higit 5% na COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at tatlo pang rehiyon.
Base ito sa monitoring ng DOH mula June 24 hanggang 30 kung saan nakapagtala ng national weekly positivity rate ang Pilipinas ng 6%.
Kabilang sa rehiyon na lumagpas sa itinakdang 5% threshold ng World Health Organization ay ang mga sumusunod:
Metro Manila – 8.2 percent
Calabarzon – 7 percent
Mimaropa – 6.6 percent
Western Visayas – 6.4 percent
Nakapagtala naman ang bansa ng weekly average na 914 COVID-19 cases mula June 25 hanggang July 1.
Mas mataas ito ng 53% kumpara sa datos sa nakalipas na linggo.
Sa kabila nito, nananatiling nasa low risk ang nationwide total bed utilization na nasa 19% at intensive care unit occupany na nasa 15%.