Burol ni dating Budget Sec. at CamSur Rep. Rolando Andaya Jr., bubuksan sa publiko ngayong araw sa Heritage Memorial Park sa Taguig City

95

Binuksan na sa publiko ang burol ng yumaong si dating Budget Secretary at dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.

Ito ang inihayag ng mga anak ni Andaya na sina Ranton at Katrina sa facebook page ng kanilang yumaong ama.

Nakalagak ang abo ng yumaong opisyal sa Chapel 8 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City kung saan binuksan ito kahapon ng alas-4:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.


Ngayong araw, July 2 hanggang July 4 ay bubuksan naman sa publiko ang burol ni Andaya mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Nakatakdang ilibing ang dating mambabatas sa Martes, July 5 sa St. Therese Columbarium sa Pasay City na sisimulan ng isang misa ganap na ala-1:00 ng hapon.

Facebook Comments