Artificial COVID-19 surge bago ang halalan, pinasinungalingan ng DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi totoo ang mga espekulasyong mag-uulat ang kagawaran ng “artificial” na pagtaas sa COVID-19 cases bago ang halalan.

Ito ay matapos kumalat ang isang social media post na nagsasabing maglalabas ang gobyerno ng COVID-19 case bulletin kung saan tataas ang kaso ng COVID-19 dalawang araw bago ang national at local elections sa May 9.

Binigyang-diin ng DOH na mataas ang vaccination coverage ng bansa para sa unang turok ng COVID-19 vaccine maging ang patuloy na pagsunod ng tao sa health protocols na siyang nakatulong sa mababang COVID-19 trend kamakailan.


Sa ngayong, nakapagtala ang bansa ng average na 195 cases kada araw sa nakalipas na linggo at national positivity rate na 1.2%.

Dahil dito, sinabi ng DOH na imbes na magpakalat ng mali at hindi berepikadong impormasyon ay gawin na lang ang lahat ng makakaya upang mapigilan ang pagkalat ng transmission at maiwasan ang magpatupad ng mas mahigpit na restriksyon bunsod ng pandemya.

Facebook Comments