DOH, nakapagtala ng 240 bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 240 panibagong kaso ng COVID-19 kahapon, April 30.

Dahil dito ay umakyat na sa 3,685,643 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa kung saan 3,618,137 ang gumaling na.

Bumaba naman sa 7,165 ang aktibong kaso ng virus matapos makapagtala ng 1,428 na bagong gumaling sa sakit.


Nadagdagan naman ng 36 ang nasawi sa COVID-19 dahilan para umakyat sa 60,341 ang total COVID-19 related deaths sa bansa.

Facebook Comments