Assets nina Michael Yang, dating Usec. Lao, at mga opisyal ng Pharmally, pinapa-freeze ng isang senador

Iginiit ni Senator Leila de Lima na mai-freeze ang assets nina dating Presidential Adviser Michael Yang, mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation at dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao.

Panawagan ito ni De Lima, makaraang lumabas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga mamahaling sasakyan na nabili ng mga executive ng kompanyang Pharmally tulad ng Lamborghini, Porsche, at Lexus.

Tinukoy ni De Lima na nakabili sila ng luxury cars makaraang masingil ang P8.7 billion para sa binili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na hinihinalang overpriced Personal Protective Equipment (PPE), masks, at face shields.


Para kay De Lima, malinaw na nagmula ang pinambili ng naturang mga mamahaling sasakyan sa bahagi ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 na pantugon sa COVID-19 pandemic.

Kumbinsido si De Lima na si Michael Yang lamang at ang kaniyang koneksyon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit nakorner ng Pharmally ang bilyon-bilyong pisong kontrata sa gobyerno.

Facebook Comments