Dalawang sindikato na nagbebenta ng iligal na armas, arestado sa Taguig City

54

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pinagsanib na pwersa ng Southern Police District (SPD) Intelligence Division at District Special Operations Unit ang dalawang katao na nagbebenta ng mga armas sa Taguig at Mandaluyong City.

Kinilala ang mga suspek na sina Nichol John Jerusalem ng Taguig City at Bruce De Leon ng Mandaluyong City.


Ayon kay SPD District Director Pol. Brig. Gen. Jimili Macaraeg, nagsagawa ng buy-bust operation sa mga armas laban kay Jerusalem kung saan nagpanggap na bibili ng assault rifle at grenade launcher sa halagang P180,000 ang isang pulis.

Narekober kay Jerusalem ang iba’t ibang klase ng armas gaya ng Blackwater 5.56 assault rifle, isang Bushmaster 5.56 assault rifle, isang Dublin 12 gauge shotgun na may grenade launcher, isang Norinco AK47 assault rifle at iba pang mga armas at mga bala.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga suspek.

Facebook Comments