Asteroid, ipinangalan sa isang Filipino astronomer

Ipinangalan sa 60-year-old Filipino medical doctor at amateur astronomer ng International Astronomical Union (IAU) ang isang asteroid.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), ang 8-kilometer-wide asteroid ay pinangalanang “7431 Jettaguilar” bilang pagkilala kay Dr. Jose Francisco “Jett” Aguilar, isang neurosurgeon sa Philippine Children’s Medical Center, Philippine General Hospital, at Cardinal Santos Medical Center.

Si Aguilar ay 15 taon ng astrophotographer ng ahensya at ng kanyang mga larawan ng araw, transit of Venus, lunar eclipses, at iba pang celestial events ay nakalimbag sa Spaceweather.com at Skyandtelescope.org.


Nadiskubre ang 7431 Jettaguilar noong March 1993 kung saan ito ay nakapalibot sa araw na nasa gitna ng orbit ng Mars at Jupiter.

Facebook Comments