Tatlong supporters ng NPA sa Cagayan, sumuko sa militar

120

Nagbalik-loob sa gobyerno ang tatlong tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ni 5th Infantry Division Spokesperson Captain Rigor Pamittan ang mga sumuko na sina alyas Riting, alyas Lando at alyas Paquito.

Sa panayam sa mga sumuko, sinabi ng mga itong nais na nilang mamuhay ng normal at malayo sa panganib dahil sa mga teroristang NPA.


Halos araw-araw aniya hindi nila malaman kung ligtas ba sila at ang kanilang mga pamilya.

Isinuko rin nila ang isang caliber 38 revolver, mga bala, ammunition blasting caps, radyo, bandila ng communist terrorist, iba’t ibang gamot at medical supplies.

Samantala, nagpasalamat naman si 5th Infantry Division Commander Major General Laurence Mina sa mga sumuko dahil sa kanilang pagbabagong buhay at hinimok ang ibang pang kasamahan na kumbinsihing magbalik-loob na sa gobyerno.



Facebook Comments