Bagyong Florita, bahagyang lumakas; Signal No. 1 nakataas sa ilang lugar sa Luzon

Bahagyang lumakas pa ang Bagyong Florita habang papalapit sa kalupaan ng Luzon.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang bagyo sa layong 540 kilometro, silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan.

taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 70 kilometro kada oras.


Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Northern portion ng Aurora
Eastern portion ng Isabela
At eastern portion ng Cagayan

Magdadala ito ng mahina hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Batanes at Aurora.

Inaasahang patuloy itong kikilos pa-kanluran, hilagang kanluran sa susunod na 12 oras bago mag-landfall sa bisinidad ng Cagayan o northern portion ng Isabela pagsapit ng Martes.

Facebook Comments