PNP, tinanggal na ang maanomalyang post hinggil sa umano’y pag-label kay dating Senador Ninoy Aquino bilang NPA

Tahasang itinanggi ng Philippine National Police na mula sa kanilang official website ang pag tag o pag label kay dating Senador Benigno Ninoy Aquino bilang myembro ng New People’s Army.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba hindi gawain ng Pambansang Pulisya na manira ng isang reputasyon.

Ani Alba, inirerespeto ng PNP ang human dignity.


Kasunod nito, tinake down na aniya ang maanolmyang post at kasalukuyang iniimbestigahan kung sino ang nasa likod nito.

Babala ni Alba, kung sinoman ang may gawa nito ay tyak na gagawaran ng disciplinary actions.

Nabatid na kumalat ang post kahapon kasabay nang paggunita ng Ninoy Aquino day.

 

Facebook Comments