Bagyong Gardo, napanatili ang lakas habang kumikilos pahilagang silangan ng Extreme Northern Luzon; Super Typhoon “Hinnamnor,” inaasahang papasok sa PAR mamayang gabi o bukas ng umaga at pangangalanang Bagyong Henry     

Napanatili ng Bagyong Gardo ang lakas nito habang kumikilos pahilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.

Huli itong namataan sa layong at 1,080 km ng Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Ito ay may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 70 kilometro kada oras habang mabagal na kumikilos pahilaga sa bilis na 10 kilometro kada oras.


Sa ngayon, walang direktang epekto ang Bagyong Gardo sa bansa.

Samantala, napanatili rin ng Super Typhoon “Hinnamnor” ang lakas nito habang nasa layong 980 kilometro ng Hilagang Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang hanging aabot sa 195 kilometro kada oras at pagbugsong 240 kilometro kada oras.

Tinatatayang kikilos ang tropical depression “Gardo” pahilaga at sasalubong sa Super Typhoon “Hinnamnor” sa labas ng PAR.

Inaasahang mamayang gabi o bukas ng umaga ay papasok ng PAR ang super typhoon na pangangalanang Henry.

Facebook Comments