Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang batas na naghahati sa anim na barangay sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11993, hahatiin ang Brgy. Bagong Silang sa anim na independent na barangay na tatawaging:
– Brgy. 176-A
– Brgy. 176-B
– Brgy. 176-C
– Brgy. 176-D
– Brgy. 176-E
– Brgy. 176-F
Itatatag din ang territorial boundaries ng bawat barangay sa pamamagitan ng mga purok o phases.
Nakasaad naman sa batas na walang gagastusin ang mga pampublikong imprastraktura at pasilidad na nakatayo sa saklaw nilang lupa, oras na mapasailalim sa pamamahala ng bawat barangay.
Mababatid na ang Barangay Bagong Silang ang may pinaka-malaking populasyon sa buong Pilipinas.
Magiging epektibo ang batas 15 araw mula sa pagkakalathala nito sa official gazette o sa mga pahayagan.