Tiniyak ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang mga supporter na hindi mahahadlangan ng anumang propaganda ang pagtakbo niya sa halalan sa 2022.
Ayon kay Marcos, malinaw sa mga hawak nilang ebidensya at legal arguments na mababasura ang petisyon laban sa kanyang kandidatura.
Aniya, kahit walang kwenta ang petisyon ay pinaghahandaan pa rin ito ng kanyang mga abogado.
Una rito, sinabi ni UST Faculty of Law Dean Nilo Divina na ‘defective in form’ at kulang sa legal na basehan ang petisyong nagkakansela sa Certificate of Candidacy (COC) ni Bongbong.
Sabi naman ni dating Justice Secretary at Ateneo Law Expert Alberto Agra, malinaw na nakasaad sa Omnibus Election Code na qualified si Marcos na tumakbong presidente dahil wala siyang pagkukulang sa kanyang COC gaya ng ikinakatwiran ng mga petitioner.
Sa huli ay nanawagan si Marcos sa kanyang supporters na patuloy na manalig na hindi magtatagumpay ang baluktot na hangarin laban sa kanyang pagtakbo.