BI, handa na sa pagpasok ng holiday season

45

Kasunod nang inaasahang pagdagsa ng mga uuwi at magbabakasyon sa bansa dahil na rin sa unti-unting pagluluwag ng travel restrictions, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval na pinaghahandaan na nila ito sa ngayon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Sandoval na bawal muna mag-leave ang kanilang mga kawani sa nalalapit na holiday season upang ma-maximize ang kanilang manpower.

Nagdagdag na rin sila kamakailan ng 99 na Immigration officers sa mga paliparan at pantalan.


Kung dati ay suspendido ang paggamit ng mga E-gate, ngayon ay muli na itong pinagana pero palagiang sumasailalim sa sanitation para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng mga pasahero at kanilang mga empleyado.

Kasunod nito tiniyak ni Sandoval na mahigpit na ipinatutupad sa mga paliparan at pantalan ang minimum public health standards.

Facebook Comments