PAGBIBIGAY NG BOOSTER SHOT SA MGA MEDICAL FRONTLINER NG POLICE REGIONAL OFFICE 1, SINIMULAN NA

8

CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION – Umabot sa 151 na pulis sa Police Regional Office 1 Medical and Dental Unit ang nabigyan ng booster shot laban sa COVID-19 sa isinagawang symbolic booster vaccination sa Camp BGen Oscar Florendo Parian.

Ayon kay PBGen Emmanuel Peralta, PRO1 Regional Director, paghahanda ito sa naturang vaccination day o bayanihan bakunahan.

Mapalad aniya na makatanggap ang mga pulis ng kanilang booster shot at umaasa ito na mabigyan ang lahat upang unti-unting magluwag ang quarantine restrictions upang makabalik na ang lahat sa normal na pamumuhay.


Sa kasalukuyan nasa 99. 42% ng pro1 personnel ang fully vaccinated at nagpapatuloy ang pagbabakuna sa mga dependents ng mga ito.

Samantala, nasa 164 na medical workers nito ang nakatakdang tumanggap ng booster shot sa darating na December 15. | ifmnews

Facebook Comments