Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong December 2021, tumaas! – PSA

Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 3.27 milyong Pilipino na walang trabaho noong Disyembre 2021.

Ayon sa PSA, mas mataas ito sa 3.16 million unemployed Filipinos na naitala noong Nobyembre ng nakaraaang taon.

Dahil dito, umakyat sa 6.6 percent ang unemployment rate ng bansa na mas mataas sa 6.5% unemployment rate na naitala noong Nobyembre.


Samantala, bumagsak naman sa 14.7 percent ang underemployment rate bansa noong Disyembre mula sa 16.7% na naitala noong Nobyembre.

Sa kabila nito, umaasa si NEDA Secretary Karl Chua na unti-unti itong gaganda ngayong taon ang jobs data dahil sa pagbaba ng NCR at karatig probinsya sa alert level 2.
.

Facebook Comments