Paglipat ni Senador Win Gatchalian sa tambalang BBM, SaraUniTeam hindi pipilitin ni presidential aspirant Senador Ping Lacson

Naniniwala si presidential aspirant Senador Panfilo Ping Lacson, na nasa desisyon parin ni Senador Win Gatchalian kung lumipat siya kina BBM SaraUniTeam.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacson, makaraang iendorso ni Gatchalian sina BBM-Sara UniTeam.

Sa ginawang Press Conference nauunawan umano ni Lacson, ang desisyon ni Gatchalian pero dapat din umanong respetuhin nito ang kanilang standards at sa bandang huli ay magkakaibigan pa rin umano sila dahil maikli lamang umano ang halalan at temporary lamang ang politika sa bansa.


Paliwanag pa ni Lacson, na mayroon umano siyang mga narinig pero nais lamang niyang ivalidate ang data tungkol sa sinasabing paglipat ni Gatchalian sa ibang bakid at pilit na pinahahanap ang tape recording na nagpahayag ng pag-eendorso ni Sen. Gatchalian kina BBM Sara UniTeam.

Facebook Comments