Namayagpag si presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang 2022 presidential preference survey ng RP Mission and Development Foundation Inc. na ginawa noong November 16 hanggang 24 kung saan nangunguna si BBM na may 23.94 percent at nasa pangalawang pwesto si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nasa 21.75%.
Habang pumapangatlo naman si Senator Manny Pacquiao na 15.94%, pang-apat naman si Vice President Leni Robredo, panglima si Senator Christopher “Bong” Go, pang-anim naman si Senator Panfilo “Ping” Lacson at panghuli si Ginoong Ernie Abella.
Base sa isinagawang survey, si BBM ay nangunguna sa Luzon habang si Mayor Isko naman ay may lumalakas na posisyon sa Nationa Capital Region at dumadami naman ang sumusuporta kay Sen. Pacquiao mula Visayas at Mindanao.
Napag-alaman na ang karera para sa posisyong bise presidente ay tila nakikinita na batay sa resulta na si Inday Sara Duterte ay hayagang natabunan ang iba pang mga kandidato na may 44.88% na hinabol ni Senator Vicente “Tito” Sotto III sa ikalawang na posisyon na 33.2%, si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan naman ay pumapangatlo na may 11.34%, habang si Doc Willie Ong ay pumang-apat na may 6.96% at si Lito Atienza ay nasa ikalimang pwesto may 2.11%.
Ang survey ay ipinatupad noong Nobyembre 16 hanggang 24, 2021 nang harapang tinanong ang 10,000 respondents na kinuha mula sa 61,843,730 rehistradong botante.