Boston Celtics, wagi kontra Toronto Raptors

36

Wagi ang Boston Celtics laban sa reigning champion na Toronto Raptors sa score na 122-100.


Nanguna sa Boston si Jaylen Brown na nakapagtala ng 20 points at tumulong din sina Jayson Tatum na may 18 points at Kemba Walker na may 17 points.

Dahil sa pagkatalo ng Raptors, humahabol na ang Boston sa no. 2 spot sa Eastern Conference.

Ayon kay Celtics Coach Brad Stevens, nakahanda pa rin sila dahil posible na ang Raptors ang kanilang makakalaban sa Eastern Conference semifinals.

Mayroon na lang ang Boston Celtics na final three games bago ang playoffs kontra sa Orlando, Memphis at Washington.

Facebook Comments