K Brosas, inamin na umaasa sa dating app para magka-boyfriend

58

Inamin ng singer, TV host at komedyante na si K Brosas na dumating sa punto ng buhay niya na umaasa siya sa dating application para magkaroon ng boyfriend.


Sa isang panayam, sinabi ni K na aminado siya na medyo nahihirapan siyang makahanap ng lalaking swak sa kaniyang personalidad dahil sa mga naging pagsubok niya sa buhay.

Say pa ng komedyante, kung darating na raw ang lalaking para sa kaniya, go lang daw siya at lalo pang full support ang kaniyang anak na si Crystal sa paghahanap ng boyfriend sa dating app.

Pabiro pang sinabi ni K na mataas din kasi ang kaniyang standards sa paghahanap ng isang lalaki tulad na kailangan ay mas strong sa kaniya at hindi pwede ang weak.

Facebook Comments