Nanatiling tahimik ang Bulkang Mayon sa Legaspi, Albay sa kabila ng pagkakataas sa Alert Level 2 status nito.
Bagama’t nakataas na sa Alert Level 2 ang status ng bulkan ay hindi gaano ito nagparamdam.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sa nakalipas na 24 oras walang naitalang pagyanig o volcanic earthquake.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala lang ito ng katamtamang pagsingaw na napadpad sa Timog-Kanluran ng bulkan.
Gayunman, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer radius permanent danger zone.
Ito’y dahil sa posibilidad ng biglaang pagputok o phreatic explosions o rockfall mula sa tuktok ng bulkan.
Facebook Comments