SRP sa sibuyas, inilabas ng DA

Inilabas na ng Department of Agriculture (DA) ang Suggested Retail Price (SRP) para sa sibuyas.

Batay sa administrative circular No. 9, itinakda ni Undersecretary Domingo Panganiban sa ₱170 per kilo ang pulang sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Layon ng DA na makaagapay ang mga consumers sa harap na rin ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo at sa epekto sa kabuhayan ng COVID-19 pandemic.


Paalala ng DA sa mga mamimili, sundin ang umiiral na Price Act para magsilbing gabay sa mga risonableng presyo ng pangunahing bilihin sa mga pamilihan.

Pero batay sa monitoring ng DA sa galawan ng presyo ng bilihin, naglalaro sa ₱200 ang presyo ng kada kilo ng sibuyad sa pamilihan sa Metro Manila.

Facebook Comments