Canadian national na iniuugnay sa nakumpiskang bilyun-bilyong pisong halaga ng iligal na droga, pinakakasuhan na ng DOJ

Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) – National Prosecution Service na sampahan ng mga kaukulang kaso ang Canadian National na inaresto dahil sa iligal na droga.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, walang lusot sa batas dito sa Pilipinas ang mga international fugitive kahit nagawa nilang makatakas sa ibang bansa.

Nag-ugat ito sa isinasagawang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office para tukuyin ang mga kasabwat ng kinilalang si Michael Ajalon na may kaugnayan sa Alitagtag drug bust noong April 15.


Ayon sa mga awtoridad, malaki ang naging parte ni Gordon sa delivery ng tone-toneladang iligal na droga sa Alitagtag, Batangas.

Naaresto ang suspek na si Thomas Gordon alyas James Martin sa Tagaytay City noong nakaraang linggo dahil na rin sa Interpol Red Notice laban sa kaniya.

Nakuha mula sa kaniya ang mga iligal na droga at mga identification card na may iba’t ibang pagkaka-kilanlan.

Facebook Comments