Atake sa puso, stroke, at diabetes, top killer na mga sakit sa Pilipinas

Nangunguna pa rin sa listahan ng mga pangunahing sakit na ikinamamatay ng mga Pilipino sa bansa ang atake sa puso, stroke at diabetes.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, pinatututukan ni Pangulong Bongbong Marcos ang promotive healthcare at prevention upang labana ang mga sakit na ito.

Bagama’t top killers ang mga naturang sakit, sinabi ni Herbosa na preventable o pwedeng iwasan ang mga ito.


Ibinahagi ng kalihim ang paraan para makaiwas dito sa pamamagitan ng pagsunod sa TED: o Tamang pagkain, iwasan ang mga matatamis maalat at matabang pagkain; mag Ehersisyo ng kahit 30 minuto kada araw; at Disiplina sa katawan, iwasan ang bisyo tulad ng sigarilyo, alak, at illegal drugs.

Dagdag pa ni Herbosa, maging ang pagpapatupad daw ng mga local government unit ng mga inisyatibo na hindi man directly health care subalit may malaking tulong sa kalusugan ng Pilipino, tulad ng paglalaan ng bike lanes, upang maengganyo ang publiko na mas gumalaw.

Facebook Comments