CAVITEX Corporation, magsisimula nang mangolekta ng adjusted toll sa CAVITEX C5 link bukas

Inanunsyo ng CAVITEX Infrastructure Corporation (CIC) na magsisimula na silang maningil ng panibagong toll rates sa mga sasakyang dumadaan sa segments ng CAVITEX C5 link.

Simula bukas, November 27 dakong 12:01 ng madaling araw ay epektibo na ang singil na ₱35 para sa Class 1 vehicles o sa mga maliliit na sasakyan; ₱69 para sa Class 2 o mga bus at maliliit na truck at ₱104 para sa mga Class 3 vehicles o mga malalaking trucks.

Mababatid na binuksan sa publiko ang bahagi ng CAVITEX C5 link flyover extension nitong August 14 na magbibigay ginhawa sa biyahe ng mga motoristang pupunta ng C5 road sa Taguig papunta sa Merville sa Parañaque City.


Target namang makumpleto ang buong 7.7 kilometrong CAVITEX C5 Link sa 2023.

Facebook Comments