DOH, nakapagtala ng 1,353 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,353 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Dahil dito, umakyat na sa 4,030,572 ang tinamaan ng sakit kung saan 3,948,079 dito ang gumaling na.

Tumaas naman ang aktibong kaso sa 17,945 kahapon kumpara sa 17,393 active cases na naitala noong Huwebes.


Nadagdagan naman ng 24 bagong nasawi sa virus dahilan para sumampa sa 64,548 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas.

Facebook Comments