CHED, pormal nang kinilala ang Quezon City University bilang ganap na pamantasan

52

Pinagkalooban na ng Commission on Higher Education (CHED) ng institutional recognition ang Quezon City University (QCU).

Dahil dito, isa nang full-fledged Higher Educational Institution (HEI) ang QCU


Pinangunahan ni CHED Chairperson Prospero de Vera III ang paggawad ng pagkilala at personal na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte at Dr. Theresita Atienza, ang QCU President.

Ayon kay De Vera, dahil sa institutional recognition, makakapag-avail na ang QCU ng mga subsidiya, benepisyo para sa mga estudyante at mga propesor.

Sinabi naman ni Mayor Belmonte na matapos ang pitong taon at pagkakapasa ng anim na ordinansa, ganap na ring pamantasan ang QCU.

Malaki aniya ang maitutulong nito sa mga mahihirap na estudyante na makapag-aral ng libre.



Facebook Comments