Mahigit dalawang libong manggagawa, nagparehistro sa Bakuna Nights ng QC-LGU

29

Aabot sa 2,000 essential sectors at A4 priority group ang nagparehistro sa inilunsad na Bakuna Nights ng Quezon City Government.

Layon nito na mabigyan ng panahon ang mga manggagawa na mabakuhanan pagkatapos ng buong araw nilang pagtatrabaho.


Ayon kay Mayor Joy Belmonte, may mga manggagawa kasi na hindi man lamang makaliban sa kanilang trabaho para mabakunahan sa karaniwang oras na mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.

Tulong na rin aniya ito sa lahat ang mga manggagawa na umaasa sa arawang sahod.

Facebook Comments