Civil Aeronautics Board, naglabas ng show cause orders sa local airlines na nagsakay ng ‘leisure’ travelers

Naglabas na ang Civil Aeronautics Board ng show cause orders sa local airlines na nagsakay ng ‘leisure’ travelers patungong Caticlan noong Lunes.

Ito ay sa harap ng pinaiiral ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bagong travel protocols.

Partikular ang pagbabawal sa airlines na magsakay ng mga pasaherong magbabakasyon lamang sa mga lalawigan.


Ayon sa CAB, patuloy rin ang imbestigasyon dito ng kanilang board.

Una rito, pinababa ng eroplano ng CAB ang mga pasahero ng isang local air carrier na papunta sana ng Boracay.

Ayon sa mga pasahero, isang oras silang naka-hold sa loob ng eroplano bago sila tinapat ng mga tauhan ng airline na hindi sila maaring lumipad dahil sa kautusan ng CAB.

Facebook Comments