Corporate Social Responsibilities, malaki ang naging ambag sa pagtugon sa COVID-19 pandemic

Malaking bagay ang mga Corporate Social Responsibilities dito sa bansa lalo na nitong nagsimula ang COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Mr. Reginald Andal, 19th CSR Expo Chair ng League of Corporate Foundation (LCF) na ang mga proyekto ng mga kumpanya ang isa sa may malaking ambag para sa ating mga kababayan.

Ayon kay Andal, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga pribado at pampublikong sektor ay naiibsan nito ang mga problema ng mga Pilipino.


Inihalimbawa ni Andal na noong nakaraang taon ay ang LCF ang unang nag-donate sa gobyerno para sa pagtugon sa pandemya sa pamamagitan ng mga aktibo nilang miyembro.

Samantala, idaraos sa Hulyo 6 hanggang Hulyo 8 ang 19th CSR Expo sa pamamagitan ng virtual conference at isa ang RMN Foundation sa magsisilbing kanilang media partners.

The RMN Foundation (RMNF) was established on September 5, 2012 as the corporate social responsibility arm of RMN Networks, Inc., which is committed to support and cultivate humanitarian relationships that uplift the Filipino’s quality of life in every part of the Philippines. With a nationwide broadcasting strength of over 60 AM and FM owned and affiliated radio stations, the RMN Networks aims to provide public service through the airwaves, but also in the most meaningful way directly to local audiences through the efforts of RMN Foundation. The Foundation is a non-stock, non-profit organization that develops and implements programs to address the needs of the underprivileged and contribute to address the social problems in the country. To learn more about RMN, please contact rmnfoundation@rmn.ph and visit their website rmn.ph.

Facebook Comments