COVID-19 mortality rate sa bansa, patuloy na bumababa — DOH

Bumababa na ang naitatalang nasasawi dahil sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung ikukumpara ang mga datos ng mortality rate noong Enero, mas bumama ito noong Marso.

Aniya, ilan sa mga naiuulat na pagkamatay ay mula pa sa mga buwan na nakalipas at ngayon lang naidadagdag sa kasalukuyang data.


Sinabi naman ni Vergeire na nananatili ang bansa sa minimal-risk case classification para sa COVID-19 kahit na mayroong bahagyang pagtaas ng kaso sa mga rehiyo.

Bagama’t mayroon bahagyang pagtaas sa Intensive Care Unit (ICU) admission, nananatili naman itong nasa low risk na 16 percent utilization rate.

Nananatili rin aniyang naka-plateau ang mga nao-ospital sa buong bansa na bumaba ng 2.8 percent kumpara noong nakaraang linggo.

Facebook Comments