COC ng gubernatorial candidate ng Sultan Kudarat, kinansela ng COMELEC

Kinansela ng Commission on Election (COMELEC) ang kandidatura o Certificate of Candidacy (COC) ni Datu Pax Ali Mangudadatu , tumatakbong gobernador ng Sultan Kudarat.

Ito ay sa pamamagitan ng En Banc decision na inilabas ng poll body.

Samantala, nai-turn over na ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan kay Bangko Sentral Gov. Ben Diokno ang security box na naglalaman ng ikalawang final trusted build ng source code para sa transmission routers na gagamitin sa halalan sa Lunes.


Ang naturang security box ay itatago sa vault ng BSP.

Ang source codes ay sinertipikahan ng International Certification Entity, Pro V&V sa Alabama, USA.

Tiniyak naman ng COMELEC na magiging malinis ang halalan sa kamay ng BSP , sa mahigpit na proseso sa pagtatago nito ng source codes.

Facebook Comments