COVID infection level sa mga mag-aaral na nag-face-to-face classes, mas mababa pa sa 1% – CHED

Tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) na mababa ang porsyento ng hawaan ng COVID-19 sa mga mag-aaral na nais nang sumailalim sa face-to-face classes.

Batay sa ulat ni CHED Chairman Prospero de Vera III kay Pangulong Rodrigo Duterte, nakasaad dito na mas mababa pa sa 1 percent ang COVID-19 infection level sa mga mag-aaral.

Sinabi rin nito na walang na-ospital at walang namatay na estudyante o faculty na nagsagawa ng limited in-persons class.


Sa ngayon, aabot na sa 10,000 mga estudyante ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula pa noong April 15, 2021.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 13,188 na mga estudyante at 1,048 na faculty members ang otorisadong na magsagawa ng limited face-to-face classes.

Facebook Comments