CSC, nilinaw na walang overtime pay ang mga government employees na naka-‘Work From Home’

Nilinaw ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada na ang mga empleyado ng gobyerno na “Work From Home” ay walang overtime pay.

Ayon kay Lizada, ang mga empleyado lamang na personal na nagre-report sa kanilang tanggapan at lumagpas ang oras ng trabaho ang papayagan lamang na makatanggap ng overtime pay.

Ang pahayag ni Lizada ay kasunod ng mga katanungan na kung ‘compressed work-week setup’ ay makaka-apekto sa patakaran ng overtime pay.


Aniya, ang ‘compressed work-week setup’ ay resulta ng konsultasyon sa pagitan ng mga empleyado at management.

Binigyan diin pa niya na ang ‘flexible work arrangements’ ay nasa pagpapasya na ng namumuno sa ahensiya sa kondisyon na ang kanilang mga stakeholder ay makakasigurong patuloy na ginagawa ang kanilang mga serbisyo mula alas- 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments