Wala pang naitatalang pinsala sa sektor ng agrikultura ang Department of Agriculture (DA) kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Abra at malaking bahagi ng Luzon.
Ayon sa DA, wala pa silang namo-monitor na damage sa agriculture at fisheries commodities gayundin sa mga infrastructures na maaring makaapekto sa food supply system.
Tiniyak din ng DA na di rin makakaapekto sa pagbibiyahe ng agri-fishery goods patungong Metro Manila ang mga kalsadang isinara sa Abra at Mountain Province dulot ng mga gumuhong lupa.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DA sa national government agencies, mga Local Government Units (LGU) at mga National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) offices para makuha ng assessment sa pinsala ng lindol gayundin sa mga assistance na ipagkakaloob sa mga apektadong magsasaka.