Pinamamadali na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglalatag ng food items bilang paghahanda sa epekto ng dalawang sama ng panahon sa Extreme Northern Luzon.
Sa ulat ng DSWD, abot sa 2,000 family food packs ang ihahatid sa bagong DSWD Field Office 1 Satellite Warehouse sa Burgos, Ilocos Norte.
Ang Burgos, Ilocos Norte Satellite Warehouse ay magsisilbing warehouse sa mismong munisipyo at mga karatig-lugar nito kagaya ng Adams, Pagudpud, Bangui, Pasuquin, at Dumalneg sa probinsiya ng Ilocos Norte.
Hinihikayat ng ahensiya ang mga local government units na makipagtulungan sa kanila para maging isa sa mga maitatalagang satellite warehouses sa Region 1.
Ito’y upang mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga pamilya at indibidwal na maapektuhan ng kalamidad.