Labi ng pulis na taga-Muntinlupa na napatay ng BIFF sa Maguindanao, dumating sa NAIA

226

Dumating kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang labi ng pulis na taga-Muntinlupa City na napatay ng miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao.

Si Ampatuan Police Chief, Lt. Reynaldo Samson ay napatay sa ambush habang nasa patrol vehicle para magsilbi ng arrest warrant sa kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Kamir Kambal.

Bukod kay Samson, napatay rin sa ambush ang isa pang pulis at sugatan ang 3 iba pang kasamahan nila.


Ang labi ni Samson ay sinalubong ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa Philippine National Police (PNP).

Mula NAIA, dinala ang labi ni Samson sa Divine Mercy Funeral sa Muntinlupa City.

Facebook Comments