Pinagtatakahan ng mga taxi at jeepney driver kung bakit noong nakaraaang linggo ay ₱0.60 ang rollback sa kada litro ng gasolina at kerosene at ₱0.30 naman na rollback sa kada litro ng diesel.
Pero ngayong Martes ay oil price adjustment na naman kung saan ₱1.40 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel, ₱1.20 naman sa kada litro ng gasolina, at ₱1.30 sa kerosene at gaas.
Ayon sa mga jeepney at taxi driver na nakapanayam ng DZXL, mabigat para sa kanila ang bagong oil price hike.
Matumal kasi ang pamamasada ngayong panahon ng bakasyon dahil walang mga klase sa mga estudyante.
Dagdag pa ng mga tsuper, marami ang kakumpetensya ngayon gaya na lang ng mga ride hailing app.
Kaya naman paniguradong mararamdaman sa kanilang kita ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo.
Una nang ipinaliwanag ng Department of Energy (DOE) na ang taas-presyo ay bunsod ng desisyon ng mga bansang miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawas an ang kanilang produksyon.