MGA BAGONG PATIENT TRANSPORT VEHICLES, HATID PARA SA ILANG BRGY NG MANAOAG

Hatid ang tatlong bagong patient transport vehicles para sa mga piling barangay sa bayan ng Manaoag.
Benepisyaryo ang mga residente mula Barangay ng Babasit, Bisal at Tebuel ng nasabing sasakyan na may layong mas mapagaan at mapabilis ang pagdala sa mga pasyenteng nangangailangan ng medikal na atensyon.
Alinsunod din ang nasabing transport vehicle sa pagpapalakas pa ng kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Manaoagueno.

Samantala, ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng mga Barangay Councils sa lokal na pamahalaan ng Manaoag upang maihatid lalo na sa mga maliliit ang nararapat na serbisyong medikal para sa lahat. |ifmnews
Facebook Comments