Pormal nang umupo ngayong umaga bilang bagong number 4 man ng Philippine National Police (PNP) si Police MGen. Rhodel Sermonia.
Itinalaga si Sermonia na Chief Directorial Staff na iniwang pwesto ni PNP Chief PLtGen. Dionardo Carlos.
Kanina sa flag raising ceremony, ipinasa na ni Lt Gen. Carlos ang kanyang dating posisyon kay Sermonia at nanumpa na ito pwesto.
Pumalit naman kay Sermonia bilang Director ng Directorate for Operations si PBGen. Valeriano De leon na galing sa Civil Security Group.
Nanumpa na rin sya sa pwesto kanina.
Si Sermonia na bagong miyembro ng PNP Command group ay kasapi ng Philippine Military Academy Makatao Class of 1989.
Facebook Comments