Departamento ng transportasyon, nakikiramay sa pagkamatay ng administrador ng LRTA na si Reynaldo Berroya

Nagpaabot ng pakikiramay si Transportation Sec. Arthur Tugade sa pagpanaw ni Light Rail Transit authority o LRTA Administrator Reynaldo Berroya (ret.).

Ayon kay Tugade, sa kada kagawaran ng sektor ng transportasyon maging ng kaniyang pamilya ang nakikiramay sa pagkamatay ng magaling na opisyal.

Isa aniyang katangi-tangi si Berroya na siyang nagpataas sa moral ng transportasyon.


Inilarawan ni Tugade si Berroya na may otoridad at palabiro para mapagaan ang mga isyu na kinakaharap ng departamento.

Sa kabila ng impormasyon ng pagpanaw ni Berroya, wala pang inilalabas na detalye sa dahilan ng pagkamatay ng opisyal.

Facebook Comments