Nasawi matapos manlaban ang isang high value target at umano ay narco politican sa operasyon ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Kinilala itong si Montasser Sabal na dating nanungkulan na mayor ng Talitay, Maguindanao noong 2010 hanggang 2013.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, may dalawang warrant of arrest ang suspek kaugnay sa kasong may kinalaman sa pagbebenta ng iligal na armas at droga.
Aniya, ang suspek ay supplier ng baril ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).
Ayon kay PNP Chief maayos naman daw itong naaresto sa Port of Batangas kagabi ng CIDG ngunit habang binabyahe na sa presinto ng pulisya ay nang agaw umano ito ng baril kaya nabaril ng pulis.
Isinugod agad ito sa ospital sa San Juan pero dineklara ring dead on arrival.
Sa ngayon nasa kustodiya ng CIDG-National Capital Region ang tatlong nitong kasamahan at mahaharap na rin sa kaso.
Batay pa sa record ng PNP, dating myembro ng PNP-SAF ang suspek noong 1998 hanggang 2010 bago tumakbo sa pulitika.
Sangkot din daw ito sa Davao City bombing noong 2016.
Narekober sa nasawing suspek ang iba’t ibang klase ng armas at 400 gramo ng hinihinalang shabu.