DBM, isusumite sa Kongreso ang kopya ng budget documents sa August 22 ayon sa Malacañang

Matapos ang isinagawang special cabinet meeting kahapon kaugnay sa National Budget 2023 na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gagawin na nang Department of Budget Management o DBM ang printing ng budget documents.

Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa isang statement.

Aniya, kabilang sa gagawing printing ng DBM ay ang National Expenditure Program (NEP), Budget of Expenditures and Sources of Financing, Staffing Summary, at ang President’s Budget Message.


Isusumite nila ito sa Kongreso sa August 22 batay na rin sa napagkasunduan sa special cabinet meeting kahapon.

Pero ayon kay Atty. Angeles, bago isumite sa Kongreso isusumite muna ang printed budget documents kay Pangulong Marcos Jr., sa August 19, 2022.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Atty Angeles na pinakamalaking nilaanan ng pondo para sa 2023 National Budget ay ang edukasyon na kapareho rin sa nakaraang taong national budget.

Facebook Comments