Pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 simula Pebrero 10, naitala ng DOH matapos makapagtala ng 4,127 kahapon

43

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,127 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Pinakamataas itong daily case record simula Pebrero 10, 2022 o sa nakalipas na limang buwan.

Dahil dito, sumampa na sa 32,637 ang aktibong kaso ng COVID-19.


Samantala, nakapagtala ng 1,374 na bagong gumaling sa sakit habang nasa 60,718 ang kabuuang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 14 new COVID-19 deaths kahapon.

Facebook Comments