Demurrer to evidence at petition for bail ni Sen. Leila de Lima at Ronnie Dayan, binasura ng Muntinlupa RTC

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang mosyon ng kampo ni Sen. Leila de Lima na humihiling na ma-dismiss ang drug case na isinampa laban sa kanila ng kapwa akusado niyang si Ronnie Dayan.

Sa desisyon ni Presiding Judge Liezel Aquiatan ng Muntinlupa RTC Branch 205, ibinasura ng korte ang magkahiwalay na “demurrer to evidence” nina De Lima at Dayan.

Ibinasura rin ng korte ang hiling ng dalawa na makapagpiyansa para pansamantalang makalaya.


Samantala, ibinasura naman ng naturang korte ang hiwalay na drug case ni De Lima dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa kabila nito, ibinasura naman ng korte ang hiling ng kapwa akusado ng senadora na si Jose Adrian Dera na ma-dismiss ang kanyang kaso.

Samantala, pinayagan naman ng korte na makapagpiyansa si Dera sa halagang 500,000 piso.

Facebook Comments