Media, dapat isama sa prayoridad na maturukan ng COVID-19 vaccine

59

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na maisama ang mga myembro ng media sa mga prayoridad na maturukan ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 para maging protektado sila sa virus habang ipinagpapatuloy ang trabaho.

Ayon kay Go na mistulang frontliners din ang mga mamamahayag dahil sa peligro ng kanilang trabaho para lamang makakalap ng mga impormasyon na ipaparating sa publiko.


Sa ngayon kabilang sa priority list na mabigyan ng COVID-19 vaccine ay ang medical frontliners, senior citizen, uniformed personnel, at mga mahihirap.

Facebook Comments