Tuesday, April 7, 2026

DFA, kinumpirma ang patuloy na pagpapaulan ng Iran ng missiles sa UAE

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang patuloy na pagpapaulan ng missiles ng Iran sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa DFA, matagumpay naman na nai-intercept ng UAE Ministry of Defence ang mga papasok na missile sa UAE.

Tinukoy ng DFA ang walong ballistic missiles, apat na cruise missiles, at 36 drones na nai-intercept sa himpapawid ng puwersa ng UAE.

Kinumpirma naman ng DFA na inaprubahan na ni UAE Deputy Prime Minister Sheikh Hamdan ang pagpapalabas ng USD 272.3 million na package para sa Dubai business sector.

Layon nito na matiyak na magpapatuloy ang mga negosyo sa Dubai sa harap ng nagpapatuloy na giyera.

Tiniyak din ng DFA ang patuloy na pagtutok sa developments ng sitwasyon sa Middle East para sa kapakanan at proteksyon ng OFWs.

Facebook Comments