DFA, muling naghain ng diplomatic protest vs China

Naghain ng panibagong diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa pagbabalik ng mahigit 100 Chinese vessels sa paligid ng julian Felipe Reef noong Abril 4.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na iligal ang presensya ng mga Chinese vessel sa lugar at posible pa itong magdulot ng kaguluhan sa rehiyon.

Ayon sa DFA, malinaw na paglabag sa international law ang ginagawa ng China kabilang na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 arbitral award.


Sa huli, nanawagan ang DFA sa China na sumunod sa kanilang obligasyon sa ilalim ng international law at itigil na ang mga iresponsableng mga aksyon na maaari pang magdulot ng tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Nangyari ang insidente ilang araw matapos ang online summit sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping kung saan tinalakay nila ang mga isyu kaugnay sa South China Sea.

Kamakailan lamang ay naghain din ang DFA ng diplomatic protest dahil sa pagpapatupad ng China ng fishing ban na sakop ang ilang bahagi ng karagatan ng Pilipinas.

Facebook Comments