DFA Sec. Teddy Locsin Jr., humingi ng paumanhin hinggil sa isa niyang ‘stupid tweet’

Humingi ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagpo-post ng tinatawag niyang “stupid tweet” kung saan inihalintulad niya ang mga public figure tulad ni United States President Donald Trump at mga medical frontliners na ine-expose ang kanilang sarili para maprotektahan ang iba.’

Ang naturang tweet ay umani ng matalim na tugon mula sa New York-based book Author na si Kurt Eichenwald kung saan tinawag niyang “stupidest argument’ ang pahayag ni Locsin.

Ayon kay Locsin, humihingi siya ng patawad sa lahat ng frontliners.


Dagdag pa ng kalihim, hindi na siya magkokomento sa domestic affairs ng ibang bansa.

“I am sorry for that stupid tweet this morning. Also, I have no business commenting on other countries’ domestic affairs anymore than others have in commenting about mine. My deepest apologies to frontliners everywhere,” sabi ni Locsin sa isang tweet.

Aminado si Locsin na nakapa-‘stupid’ na ikumpara ang mga frontliners sa isang public figure.

Facebook Comments